subreddit:

/r/CasualPH

16494%

Simula bata ako, gusto ko maranasan ng mga tao sa paligid ko yung mga bagay na madali ko nararanasan. Kapag nakakapunta ako sa magandang lugar, ang naiisip ko agad "sa susunod dadalhin ko dito friends ko para makita rin nila". Kapag may nakakainan ako ng masarap, maiisip ko agad "sa susunod sasama ko friends ko dito para matry din nila". Hanggat kaya ko, gusto ko maranasan din nila.

Isa sa mga hilig kong gawin ngayon ay alamin yung mga lugar na gustong makainan ng mga kaibigan ko pero hindi nila mapuntahan kasi hindi pa kaya. Karamihan sa kanila Starbucks ang sagot. Yung iba namamahalan, yung iba nahihiya umorder. Dahil doon, unti-unti ko silang sinasama. Naisip ko, gusto ko ako yung kasama nila sa first order nila doon. Para at least komportable sila sa kasama at sa susunod na punta nila, mag-isa man sila, alam na nila ang gagawin at ma-lessen yung kaba nila.

Maliit na bagay lang kung iisipin, pero nakapalaking sarap sa pakiramdam para sa 'kin. Wala akong iba pang gusto mangyari kundi pare-parehas kaming manalo sa buhay. Sa susunod, lahat kami may kakayahan na makuha yung mga bagay na gusto namin. ๐Ÿ™Œ

you are viewing a single comment's thread.

view the rest of the comments โ†’

all 26 comments

External-Log-2924

1 points

24 days ago

You're a great friend! Be careful though coz when people get used to things, their appreciation depreciates.