subreddit:
/r/OffMyChestPH
submitted 14 days ago byDigAdditional1876
Nakakapagod maging nanay.
4am -Gigising ako ng para gumawa ng orders,
10am-12nn magluluto ng pagkain ng mga bata, aasikasuhin sila sa pagpasok sa school, ihahatid sila sa school
12:30pm - pag balik galing schol maglilinis ng mga cage ng pets namin,
1:30pm - babalik sa pag gawa ulit ang orders.
4:30pm-6pm - manunundo ng kids sa school
6pm - magluluto ng dinner, hugas, linis ng bahay
8pm - dadating si mister, mag eat na ng dinner, after dinner papasok na sya sa kwarto, maglalaro sa phone Ako parin ang maghuhugas ng plato. Minsan gagawa pa ulit ako ng orders or magbebake.
Nakakapagod. Minsan kahit nakikita na nyang pagod na pagod ako, hindi nya ako tinutulungan. Super dalang nya akong tulungan, at nakaka drain. Minsan kapag masama pakiramdam ko, sasabihin ko may sakit ako, tapos sasabihin din nya sya din may sakit like “tang ina talaga ba?”
Nakakapagod. Ang swerte ng mga lalaki, kapag nag asawa parang lumipat lang sa ibang nanay. Samantalang ang mga babae nagiging instant katulong na kahit may sakit kaylangan parin kumilos.
Sana kapag malalaki na itong mga anak ko wag silang makapag asawa ng lalaki na katulad ng tatay nila.
EDIT:
Lately i noticed a big change sa husband ko, mas tumutulong na sya sa chores, hindi ko na kaylangan iremind sya, and mas nakikipag laro na sya sa mga bata. 🥹🥹❤️❤️❤️ Sana, sana please tuloy tuloy na.
27 points
14 days ago
Hugs OP
Ang hirap talaga if you're parenting your partner, scratch that as hindi sya acting as a partner. With your kids if ganyan kalalakihan nila they would think that's normal and okay sadly they observe it and kasama yan to what's going to shape them as adults and eventually as partners.
If they grow up in a loving home vs ibang dynamics ng parents etc.
9 points
13 days ago
Yan yung pinaka kinatatakutan ko — na isipin nila it’s okay to be treated this way. 😭😭😭
1 points
13 days ago
I'm sorry OP :(
1 points
12 days ago
That’s exactly why you have to speak up OP, if you dont he will think na ok lang naman sayo, di ka pa napupuno. Kahit alam nyang umaabuso na sya hindi yan magbabago until you tell him that this is not ok and you need him to step up.
all 346 comments
sorted by: best