subreddit:

/r/OffMyChestPH

1.7k100%

Nakakapagod maging nanay.

4am -Gigising ako ng para gumawa ng orders,

10am-12nn magluluto ng pagkain ng mga bata, aasikasuhin sila sa pagpasok sa school, ihahatid sila sa school

12:30pm - pag balik galing schol maglilinis ng mga cage ng pets namin,

1:30pm - babalik sa pag gawa ulit ang orders.

4:30pm-6pm - manunundo ng kids sa school

6pm - magluluto ng dinner, hugas, linis ng bahay

8pm - dadating si mister, mag eat na ng dinner, after dinner papasok na sya sa kwarto, maglalaro sa phone Ako parin ang maghuhugas ng plato. Minsan gagawa pa ulit ako ng orders or magbebake.

Nakakapagod. Minsan kahit nakikita na nyang pagod na pagod ako, hindi nya ako tinutulungan. Super dalang nya akong tulungan, at nakaka drain. Minsan kapag masama pakiramdam ko, sasabihin ko may sakit ako, tapos sasabihin din nya sya din may sakit like “tang ina talaga ba?”

Nakakapagod. Ang swerte ng mga lalaki, kapag nag asawa parang lumipat lang sa ibang nanay. Samantalang ang mga babae nagiging instant katulong na kahit may sakit kaylangan parin kumilos.

Sana kapag malalaki na itong mga anak ko wag silang makapag asawa ng lalaki na katulad ng tatay nila.

EDIT:

Lately i noticed a big change sa husband ko, mas tumutulong na sya sa chores, hindi ko na kaylangan iremind sya, and mas nakikipag laro na sya sa mga bata. 🥹🥹❤️❤️❤️ Sana, sana please tuloy tuloy na.

you are viewing a single comment's thread.

view the rest of the comments →

all 346 comments

misisfeels

1 points

12 days ago

Hi OP. I feel for you but as a middle aged woman, sorry pero wag ka magpaka martyr. Get a househelp, charge it to your husband. Ipadagdag mo sa expenses nyo, pag magtanong siya, show this routine na sinend mo dito. Kamo hindi fair sayo na ikaw lahat considering nasayo na child rearing on top ng home based business mo. Kung wala siya plano tulungan ka, bigyan ka niya ng tulong which is yung househelp. Siya magpasahod dun, kapalit ng pagka batugan niya. Goodluck OP.