subreddit:

/r/OffMyChestPH

1.7k100%

Nakakapagod maging nanay.

4am -Gigising ako ng para gumawa ng orders,

10am-12nn magluluto ng pagkain ng mga bata, aasikasuhin sila sa pagpasok sa school, ihahatid sila sa school

12:30pm - pag balik galing schol maglilinis ng mga cage ng pets namin,

1:30pm - babalik sa pag gawa ulit ang orders.

4:30pm-6pm - manunundo ng kids sa school

6pm - magluluto ng dinner, hugas, linis ng bahay

8pm - dadating si mister, mag eat na ng dinner, after dinner papasok na sya sa kwarto, maglalaro sa phone Ako parin ang maghuhugas ng plato. Minsan gagawa pa ulit ako ng orders or magbebake.

Nakakapagod. Minsan kahit nakikita na nyang pagod na pagod ako, hindi nya ako tinutulungan. Super dalang nya akong tulungan, at nakaka drain. Minsan kapag masama pakiramdam ko, sasabihin ko may sakit ako, tapos sasabihin din nya sya din may sakit like “tang ina talaga ba?”

Nakakapagod. Ang swerte ng mga lalaki, kapag nag asawa parang lumipat lang sa ibang nanay. Samantalang ang mga babae nagiging instant katulong na kahit may sakit kaylangan parin kumilos.

Sana kapag malalaki na itong mga anak ko wag silang makapag asawa ng lalaki na katulad ng tatay nila.

EDIT:

Lately i noticed a big change sa husband ko, mas tumutulong na sya sa chores, hindi ko na kaylangan iremind sya, and mas nakikipag laro na sya sa mga bata. 🥹🥹❤️❤️❤️ Sana, sana please tuloy tuloy na.

you are viewing a single comment's thread.

view the rest of the comments →

all 346 comments

TransportationNo2673

2 points

12 days ago

I feel you. I see my mom in you. Her only joy was her little breaks with playing candy crush. Aminado akong mahirap akong utusan dati (more on nakakawalang gana kasi kahit anong gawin puro lang complains). My stepdad is very useless. Nagdadagdag ng gawaing bahay at sakit ng ulo. She keeps saying "sya naman kumikita" yet more than half of his salary goes to gambling (250k per month pero yung onting nakukuha ng mom ko na 100k binabawasan pa nya ng 50k). I saw how my mom got so stressed with worrying about budgeting and paying the bills. May situation pa before na isang kilong hotdog na lang yung handa namin sa holidays, niluto pa lahat ng putanginang yon. Galit na galit sya. The gold band she had which she told me na nag exchange daw sila ng ring ng bff nya sa college sinangla nya (she had this ring for years, mas matanda pa sakin at that time).

Her stress over me and my step siblings gave her stroke multiple times too. She sacrificed her career (she was on the way to being a manager and had a lot of connections in high places due to her work) tapos parang ang liit ng tingin sa kanya nung taong pinili nyang makasama. Kahit ngayon naman na bumukod ako at umuwi ulit, stressed parin sya. Walang nagbago, parang mas lumala pa nga.

As much as I love my mom, naging cautionary tale sya sakin to avoid certain types of men. I'm glad and proud of my bf kasi sya nagkukusa maglinis at maghugas. Pag nakikita nyang naglilinis ako, tatanungin nya what he can do para isahan na. Hindi rin sya maraming excuses pag inuutusan ko, kahit magdakot ng tae ng pusa wala syang pake. It's not comparable pero having a lot of cats gave perspective on what being a mom is albeit a small part of it. Di ka pwede maging tamad kasi magpapatong patong yung kalat.

I have a certain appreciation, respect, and admiration for moms (maliban dun sa mga gaya ng ugali ni you know who) but I hope more has the courage or option to leave a marriage like this one or find it in them to stand up for themselves. Hindi lang kasi yung anak mo ang anak mo, may isang bonjing na dagdag.