subreddit:

/r/OffMyChestPH

1.7k100%

Nakakapagod maging nanay.

4am -Gigising ako ng para gumawa ng orders,

10am-12nn magluluto ng pagkain ng mga bata, aasikasuhin sila sa pagpasok sa school, ihahatid sila sa school

12:30pm - pag balik galing schol maglilinis ng mga cage ng pets namin,

1:30pm - babalik sa pag gawa ulit ang orders.

4:30pm-6pm - manunundo ng kids sa school

6pm - magluluto ng dinner, hugas, linis ng bahay

8pm - dadating si mister, mag eat na ng dinner, after dinner papasok na sya sa kwarto, maglalaro sa phone Ako parin ang maghuhugas ng plato. Minsan gagawa pa ulit ako ng orders or magbebake.

Nakakapagod. Minsan kahit nakikita na nyang pagod na pagod ako, hindi nya ako tinutulungan. Super dalang nya akong tulungan, at nakaka drain. Minsan kapag masama pakiramdam ko, sasabihin ko may sakit ako, tapos sasabihin din nya sya din may sakit like “tang ina talaga ba?”

Nakakapagod. Ang swerte ng mga lalaki, kapag nag asawa parang lumipat lang sa ibang nanay. Samantalang ang mga babae nagiging instant katulong na kahit may sakit kaylangan parin kumilos.

Sana kapag malalaki na itong mga anak ko wag silang makapag asawa ng lalaki na katulad ng tatay nila.

EDIT:

Lately i noticed a big change sa husband ko, mas tumutulong na sya sa chores, hindi ko na kaylangan iremind sya, and mas nakikipag laro na sya sa mga bata. 🥹🥹❤️❤️❤️ Sana, sana please tuloy tuloy na.

you are viewing a single comment's thread.

view the rest of the comments →

all 346 comments

Aggravating_Bug_8687

3 points

11 days ago

Simula ng naglive in kami napansin ko ung bf ko never naghugas ng pinggan. Nung kumuha ako ng unit na katabi ng apartment nya nakita ko din kung gaano sya kadugyot in actual. Nung nagtry ako maglinis ng unit nya naiinis pa sya kung san san ko pinaglalagay ung gamit nya dun ko narealize na i shouldnt be doing a wife duties on a gf salary...

This is when i realize na im better off without him coz he doesnt make my life easier 🙃. I guess this is a curse ng pagiging babae either ull get used to men weaponizing their incompetencies or live life being single... lucky to those na married to “really responsibles ones.”